2010/06/05

pagalala



bagamat sa personal ay di nakita
o ni minsan pagkakataong nakilala
handog ng radyo, telebisyon at mga peryodiko sa mga taong nagdaan
ang prinsipyo sa magsasaka na ipaglaban, ipanalo,
sa buhay na kapalit ang lupang ipinagkait.
sa miminsanang panahon na naiparamdam
ang tahimik na pagluha ng ilang mga mata,
ang dalisay na pagngiti at pagtawa sa pagaalala,
ang matamlay ng pagnanasa kung naroroon pa ba
o kaya'y makakamit pa ang hustisya,
ang pagiyak katumbas ng iisang taon na
na nawalan ng karamay, tagapagturo at kaibigan,
sa simpleng pag-awit ng buhay at bukid,
maiparamdam din dala ng init ng hangin at butihing pagusok
ng mga kandila pataas
sa kanyang kalangitan.

isang pagpupugay. pag-alala.
na iisang taon ang nakalipas,
bitbit pa din ang bitbit nya.

No comments: