III.
Ewan ko ba
Kung bakit nagkaganyan
Di malaman ang syang dahilan
Bakit gan’to
Ang pakiwari sa mundo
Di mahintay ang pagsilang mo
Sa mukha ng tadhana
Sa halik ng mga tala
Sa pag-ihip ng minsang hangin
Sa mukha mo’y haplos ang ‘sang paghimbing
Hanggang sa’n ba
Maaabot ang saya
Di mabuhat ang inangking dala
Bakit gan’to
Tila di mabuo
Ang pagluha ng sang ‘bigong paglayo
Sa bati ng umaga
Sa yakap ng mga ulap
Sa pagpaalam ng isang gabi
Hinihintay ang minsang paghikbi
Sa mukha ng tadhana
Sa halik ng mga tala
Sa pag-ihip ng minsang hangin
Sa labi mo’y taglay ang isang himig
Sa paglayag ng buhay ko
Inaalaala ang mga taong
Lumipas na sa kapit ng hawak ko
Daladala ang huling pamamaalam ng luha mo
Sa paglisan ng buhay ko
Sa pagbukas ng buhay sa mundo
Ewan ko ba kung bakit ganito
No comments:
Post a Comment