2008/04/17

summer na! byahe na (dapat)!



g is going to bicol this weekend to engage an affair with the butanding, and, if more luck has it her way, dance with fireflies. wow! nakakainggit naman! syempre, the farthest i have been in bicol was when i had a short-term tryst with isarog, a couple of times in naga city (when i was still with the philippine sports commission and the last time before and after isarog), once in a road trip from naga city to daet for a party upon an impromptu invitation from congressman unico to my former commissioner boss and i. at obviously summer na summer na nga, ang init nakakalagkit ng buong araw kaya feeling mo, ang baho mo na matapos ilang minuto sa labas (o sa loob, kulob na walang aircon).

pwede ba akong sumama sa donsol? di ako pabigat, hayaan mo autistic din ako. gusto ko lang magsummer din na walang isip na trabaho (at umaasang walang maiisip na trabaho, pano ba naman, advocacy mo na trabaho, bahagi talaga ng bawat makikita mo at mak
akasalamuha mo sa paligid). no worries, this time, as in, no work, and all play!


pero aalis din pala ako sa lunes, sa bohol, di para magliwaliw, trabaho din, at ang matindi pa - usaping agrofuels, climate change at rice crisis ang tutuntungan ngayon - kung kelan katabi mo na ang beach ng panglao, ang ilog ng loboc, ang chocolate hills ng carmen at sagbayan, ang dolphins papuntang pamilacan, mga kwebang malalalim, malalagkit at kaakit-akit, ang palapit na pyesta sa may at sangkatutak na kabusugan at bring-home sa bawat tahanan... taena, trabaho muna tayo bai...dahil matapos dito ay magmamadali naman tumungo sa north cotabato, na ano kayang bago ang pwedeng puntahan - ang skyline? o magtacurong na lang at tiisin ang panggigigil habang manonood ng mga belly-full dancers tuwing gabi.


tulad ni g, (mukhang iba pala ito dahil) isa sa mga favorite kong gawin ay magplano ng mga lakad at imaximize ang mga byahe upang makapasyal sa mga lugar na mahirap puntahan muli. pero ngayon, gusto ko magplano at pumunta sa tawi-tawi. sinong gusto sumama? kahit ako lang mag-isa tutuloy ako kung plantsado ko na, kebs na lang kung may sasama at mapansing nagiging autistic ako.


at parang di ko pa nababalikan si manong andiso ng bakun...


at ang pagpunta muli sa siquijor upang magsaliksik...

at ang magtrek mula kinakin hanggang cambulo hanggang batad at dumiretso ng sagada...


at ang makita ang mayon ng malapitan (at hindi lang mula sa tuktok ni isarog)...

at ang maakyat na si apo...

at balikan muli si pulag (kahit sa ambangeg pa yan pero mas mabuti na makita ang ganda ng akiki)...

at pano ang kilakiron at kalatungan ng bukidnon, at ang bumisita muli kay dulang-dulang at kitanglad...


daghan diay... isa-isa lang.



so tawi-tawi na? sinong sasama?

sorry pips, walang pix. check diri gikan kay bai gio

1 comment:

Pall Mall Cigarettes said...

Yesterday I visited your blog and liked it very much! I have found a lot of really interesting and useful information there! The time I have spent reading was wonderful and I may say that you’ve done a great job! There are also wonderful photos! I’ve immediately added your blog to my favorite links and will enter it any time when in need of something positive. Thanks a lot!