2005/04/23

pamamaalam ii

Pamamaalam

II.
Sa mga sandaling ito…
Luha ba’y iwawaksi sa init ng umaga
Ang lukot ng mukha’y itatago sa banaag ng araw
Ang lungkot ipapawi ng dala ng bukas
Upang ang pinagsamaha’y ilimot sa mumunting ala-ala
At iyan nga’y nariyan…
Naisantabi para muling pausbungin
Naitago para muling halungkatin
Naalaga’t naaruga nang muling mahikayat
Sa muling pagkikita’y maihanda’t maipakita
At sa mga sandaling iyon…
Tanging hinihintay na lang ang paalam
Mismong luha’y iwaksi upang ipalit ang ngiti
At lukot ng mukha’y itago’t ihandog ang pag-asa ng saya
Lungkot mapawi nang ang hiwalay ay ligaya
Na tunay na may bukas upang ang pagtagpo’y masilayan
Sa mga sandali…

Inaala-ala’t hinihintay na lang…

No comments: