Pamamaalam
I.
Minsan sa isang iglap iyo nang matuklasan
Sa ngayo’y narito at sa bukas ay wala na
Di kaya naisip ang mga mumunting bagay
Na tila higanteng bumibigat ng iyong himlay
At sa nayon ng nakaraan tatanawin
Baga ang mga ibong minsa’y sumipol
At ang gabing taglay ang hinain ng buwan
Sa mga damdaming di nilimot ang dinaanan
Iyon nga’y palipas na ang kandila
Unting sinisisi ang panahon na sana’y
Ang kahapon – kailan ay di na lumipas pa
Dahil sa bukas ang apoy ay puksa na
At hihintay ng araw upang muling bumangon
No comments:
Post a Comment